-- Advertisements --

Hawak na ng Oklahoma City Thunder ang 2-0 na bentahe sa Western Conference semifinals matapos na talunin ang Los Angeles Lakers 125-107.

Kapwa nagtala ng tig-22 points sina Chet Holgren at Shai Gilgeous-Alexander para sa OKC.

Hindi pinahiya ng Thunder ang kanilang mga fans sa home court kung saan nahigitan ng bench players ng Thunder ang mga reserves players ng Lakers at umabot pa sa 18 points ang kanilang kalamangan.

Sa simula pa lamang ay dominado ng OKC ang laro kung saan nakatuon sila para makuha ang 2-0 na kalamangan.

Nangibabaw naman sa scoring ng Lakers si Austin Reaves na nagtala ng 31 points habang mayroong 23 points ang naitala ni LeBron James.

Gaganapin ang Game 3 sa home court ng Lakers sa araw ng Linggo oras sa Pilipinas.