Isang panalo na lang ang kailangan ng New York Knicks para umusad sa 2026 Eastern Conference finals.
Tinalo ng Knicks ang Philadelphia 76ers sa tatlong magkakasunod na laban sa pamamagitan ng dominanteng performance.
Sa pinakahuling laban (Game 3), ipinoste ng Knicks ang 14-point margin sa pangunguna ng guard na si Jalen Brunson. Naipasok ni Brunson ang 11 sa kaniyang 22 attempts, tatlo dito ay pawang 3-pointers.
Sa tatlong magkakasunod na panalo, nagsisilbing main scorer ng Knicks ang batikang guard, tangan ang positive performance sa tuwing matapos ang laban.
Muli ay hindi nakaporma ang mga Sixers player sa kanilang mismong homecourt.
Sa kabila kasi ng 44 mins na pananatili ni Tyrese Maxey sa hardcourt ay umabot lamang sa 17 points ang kaniyang naipasok, kasama ang pitong assists.
Muling gaganapin sa Philadelphia ang Game 4, isang do-or-die game. Kung magkakaroon ng Game 5, babalik sa New York ang naturang laban. (report by Bombo Jai)
















