-- Advertisements --

Maghaharap na ang dalawang bigating mixed martial artist na sina Khamzat Chimaev at Sean Strickland sa Mayo-10, 2026.

Ang laban ng dalawa ay magsisilbing main event ng Ultimate Fighting Champion (UFC) 328 sa ilalim ng Middleweight Division.

Hawak ni Chimaez ang undefeated record na 15-0 sa loob ng ilang taon niyang karera sa UFC.

Kasalukuyan namang nasa 30-7 ang win-loss record ni Strickland. Dati niyang hawak ang middleweight championship belt ngunit napakawalan niya ito matapos paluhurin ni Dricus Du Plessis, ilang buwan na ang nakakalipas.

Dating magka-training partner ang dalawa hanggang 2022 ngunit tuluyang naghiwalay matapos akusahan ni Strickland si Chimaev ng pagiging bully sa loob ng gym.

Lalong lumala ang away ng dalawa hanggang sa napagkasunduan ng bawat kampo na pagharapin ang mga ito sa isang professional fight.

Nakatakdang ganapin ang laban sa Prudential Center, Newark, New Jersey.