Maaari pa umanong tumagal ng hanggang dalawang taon, bago ganap na maka-recover ang bansa sa epekto ng COVID-19.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Karl Kendrick Chua, kailangan ng puspusang hakbang mula sa lahat ng sektor para mapabilis ang pagpapasigla ng takbo ng ekonomiya.
Pero kahit malaki ang ikinalugi ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng sunod-sunod na kalamidad, kakayanin naman aniya itong mapunan sa pag-agapay ng gobyerno at iba pang sektor ng lipunan.
Matatandaang bago nagkaroon ng pandemiya, nakapagtala ng matatag na economic growth trajectory ang Pilipinas.
Umaasa si Chua na maaaring makabawi ang Pilipinas nang mas maaga kaysa sa kanilang prediksyon, kung sasabayan ito ng positibong hakbang ng malaking bahagi ng ating mga mamamayan.
















