-- Advertisements --
Mas dinoble na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang presensiya sa mga matataong lugar mula ng pumasok ang ‘Ber’ months.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr, na kaniyang inatasan ang lahat ng mga regional at city police na paigtingin ang kanilang police visibility,
pagpapatrolya at pagbabantay sa mga establishimento.
Kasama rin nilang babantayan ang mga transport terminals at ibang mga pampublikong lugar na madalas na pinupuntahan ng mga tao.
Inaasahan kasi na sa ganitong buwan ay dumarami rin ang mga kawatan na nananamantala sa mga lugar na kadalasang pinapasyalan ng mga tao.
Paglilinaw naman ng PNP chief na buong taon na nakabantay ang mga kapulisan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
















