Nirerespeto ng Malacañang ang pagpapalabas ng warrant of arrest ng Quezon City laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na ginagalang ng Palasyo ang anumang desisyon o kautusan ng korte.
Pahayag ito ni Castro matapos na maglabas ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ng warrant of arrest ng three counts of grave threats.
Nagbunsod ang kaso dahil sa pagbabanta ni Vice President Duterte na mayroon na itong nakuha para sa pagpaslang kay President Ferdinand Marcos Jr , First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.
Mismo ang Department of Justice ang nagsampa ng kaso ng tatlong grave threats laban sa Bise President.
Una na ring humirit ang kampo ni Duterte ng pagbasura ng kaso dahil sa kakulangan ng jurisdiction.
















