Kinumpirma ng kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na naudlot ang nakatakda sanang panibagong arraignment sa ibang kaso pa ng dating kongresista.
Inaasahan sanang maganap ang pagbasa ng sakdal sa Manila Regional Trial Court Branch 15 ngayong Huwebes, ikalabing siyam ng Hunyo.
Kanya ritong kinakaharap ang kasong may kinalaman sa pagpatay o murder, kasunod ng iba pang mga alegasyon na kanya pang kinasasangkutan.
Paliwanag naman ni Atty. Ferdinand Topacio na ang pagkakaudlot ng arraignment ay hindi lamang raw sa kadahilanang na-ospital ang kanyang kliyente.
Ngunit aniya’y sapagkat ang National Bureau of Investigation ay hindi pa nakakakuha ng hurisdiksyon sa kustodiya ni Teves upang ito’y ipresenta sa naturang korte.
Kaya’t sa isang ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Philippine kay Atty. Ferdinand Topacio, kanyang ibinihagi na ang prayoridad nila ngayon ay maiulat sa mga korte na ang dating kongresista ay kasalukuyan pang nagpapagaling sa ospital.
Samantala sa kabila nito, mariin namang itinanggi ng kampo ni Teves na ang pagkakaospital at malubhang pananakit nito ng tyan ay isang drama lamang.
Ani kasi ni Negros Oriental Congresswoman-elect Janice Degamo na ito’y bahagi lamang ng drama at delaying tactics ni Teves sa pagkamit nila ng hustisya.
Kaya’t ito ay pinabulaanan ni Atty. Ferdinand Topacio ng eklusibong makapanayam ng Bombo Radyo hinggil sa ibinabato sa kanila ng kabilang kampo.