-- Advertisements --

Nakatakda nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta sa mga balotang gagamitin sa 2022 national at local elections sa Enero sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang target daw ng Comelec ay sa Enero 15.

Sa ngayon, mas mahaba ang gagamiting balota na 30 inches kumpara sa 24 inches noong 2019 elections at 17 inches naman noong 2016.

Nasa 65,745,529 million na balota ang kailangang maimprenta ng Comelec bago ang halalan.

Kailangan nila itong matapos sa buwan ng Abril dahil ide-deliver pa ito sa iba’t ibang polling precinct sa buong kapuluan.