-- Advertisements --

Nanawagan si partylist Cong. Wilbert Lee sa Commission on Elections (Comelec) at Department of Health (DOH) na tiyakin ang paglalagay ng sapat na medical teams sa mga voting precinct sa darating na halalan, kasunod ng matinding init na nararanasan sa bansa.

Ayon kay Lee, mahalagang may mga doktor at nurse sa mga presinto upang agad na makatugon sa mga botanteng maaaring tamaan ng heatstroke, lalo na ang mga senior citizen, PWDs, buntis, at may iniindang sakit.

Hinimok niya ang Comelec at DOH na palakasin ang koordinasyon sa local government units at Philippine Red Cross upang mapalakas ang onsite medical response.

Pinayuhan din nito ang mga botante na magsuot ng magagaan at preskong damit, uminom ng maraming tubig, at magdala ng payong o sombrero para sa proteksyon laban sa araw. (report by Bombo Jai )