-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ang pag-alis ng Cambodia sa nagpapatuloy na 33rd Southeast Asian Games ay isang malaking bentahe para sa Pilipinas.

Ito ay matapos ipahayag ng Cambodian National Olympic Committee ang tuluyang pag-atras nito sa napakalaking sporting event.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Toto Cadapan mula sa Thailand, sa nakaraang Southeast Asian Games, ang Cambodia ay nagtapos sa ikaapat na pwesto habang ang Pilipinas ay nagtapos naman sa ikalima.

Aniya, nakakalungkot ang desisyon ng Cambodia dahil nakahanda na ang mga atleta nila sa paglalaro.

Gayunpaman, sinabi niya na naiintindihan nila ang intensyon ng Cambodia na gumawa sila ng hakbang para sa kaligtasan din ng kanilang mga manlalaro upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na mangyari sa kanila dahil sa kanilang patuloy na hidwaan sa Thailand.

Paliwanag niya, dumalo rin ang lahat ng Cambodian athletes at delegates sa opening ceremony ng 33rd Southeast Asian Games bago umatras sa kompetisyon.

Dagdag pa niya, sa simula pa lang ng mga laro, nakuha na ng Pilipinas ang ikatlong puwesto matapos makuha ni John Derrick Farr ang bronze medal para sa MTB downhill habang si Justin Kobe Macario ay nakakuha din ng gintong medalya para sa taekwondo freestyle poomsae.