Aprubado na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pag-angkat ng 150,000 MT ng refined sugar.
Batay sa inilabas na Sugar Order No. 7, kinakailangan umanong mag-angkat ng asukal upang matiyak ang sapat na supply at magkaroon ng dalawang buwang bufferstock.
Ito na ang ikatlong sugar import program para sa crop year 2022-2023.
Tiniyak ni SRA Administrator Pablo Azcona na dumaan sa mabusising pag-aaral ang hakbang nilang mag-import.
Pirmado rin ni Agriculture Usec. Domingo Panganiban ang inilabas na dokumento, kasama ng iba pang opisyal.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakapinsala sa local producer ng asukal ang gagawing pag-aangkat, dahil ikinonsidera sa pagsusuri ang dami ng kayang mailabas ng mga magsasaka ng tubo at kung hanggang kailan lamang tatagal ang kukuning supply ng asukal.