-- Advertisements --

Naniniwala si Atty. Amando Ligutan na unti-unti nang natitibag ang ‘pader’ na nagsisilbing proteksyon ng pamilya Duterte.

Ito ay kasunod ng pagkakalantad ng umano’y mga itinatagong kayamanan ng naturang pamilya, taliwas sa ipinapakita nila sa publiko.

Ayon kay Ligutan, na nagsisilbi bilang lead counsel ng ikatlong impeachment complaint, ang mga tetimonya ng self-confessed bagman na si Ramil Madriaga at ng Commission on Audit ang unang bugso na tumitibag sa naturang pader.

Tuluyan aniyang natibag ang naturang proteksyon sa mga isiniwalat at rebelasyon ng Anti-Money Laundering Cuncil (AMLC) at ni dating Sen. Antonio Trillanes ukol sa mga nakatagong kayamanan ng pamilya.

Ayon kay Ligutan, ang lahat ng mga lumabas sa House Justice Committee ay pawang sinusuportahan ng sapat at matibay na ebidensiya – dahilan upang dapat dalhin sa trial ang mga kaso ng dating pangulo.

Kung babalikan ang apat na magkakahiwalay na pagdinig ng komite, isa-isang kinilatis sa hearing ang testimoniya at ebidensiyang sumusuporta sa mga reklamo.

Kabilang dito ang umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan ni VP Sara, maanomalyang paggamiyt sa kaniyang confidential at intelligence fund, pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos, atbpa. (report by Bombo Genesis)