Nausog pa sa mga buwan ng Hunyo o Hulyo mula sa inisyal na Abril ang posibleng comeback sa ibabaw ng ring ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, may tatlong mga pangalan na rin silang napipisil upang sunod na harapin ng Fighting Senator.

Paglalahad pa ni Gibbons, ito raw ay sina Errol Spence Jr., Danny Garcia t Shawn Porter.

Bagama’t nangunguna sa listahan ang IBF/WBC welterweight champion na si Spence, ngunit hindi pa batid sa ngayon ang kanyang status lalo pa’t nagpapagaling pa ito mula sa kinasangkutang aksidente.

Maliban dito, ibinulgar din ni Gibbons na plano raw ni Pacquiao na lumaban nang dalawang beses ngayong taon.

Hindi naman umano mangyayari ang rematch sa pagitan nina Pacquiao at ng undefeated boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Gibbons, retirado na raw kasi si Mayweather kaya napakalabo na raw ng tsansa na muli pa silang magtuos ng Pinoy ring icon.