Reading Time: 1 minute
pacquiao
Manny Pacquiao

Pasok sa top 100 highest-paid atlhletes of 2019 ng Forbes magazines.

Nasa pang-92 sa listahan ang fighting senator kung saan mayroon itong kabuuang kita na $26-Million.

Sa nasabing kita $24-M dito ay kita sa boxing habang $2-M naman sa mga commercials.

Susunod na makakalaban nito si Kieth Thurman sa darating na Hulyo 20 sa Las Vegas, Nevada.

Magugunitang nakuha ng football star na si Lionel Messi ang unang puwesto na mayroong kabuuang kita na $127-M na sinundan ng Cristiano Ronaldo na mayroong $109-M, pangatlo si Neymar na mayroong $105-M, Canelo Alvarez na may $94-M at Roger Federer na may kabuuang kita na $93.4-M.