-- Advertisements --

Nananatiling walang talo pa rin si Japanese boxing star Naoya Inoue.

Ito ay matapos talunin niya ang kababayan na si Junto Nakatani sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ipinakita ni Inoue ang kaniyang lakas sa harap ng 55,000 na fans sa sold-out na Tokyo Dome.

Napanatili ni Inoue ang kaniyang undisputed super bantamweight titles.

Mayroon ng 33 panalo walang talo na may 27 knockouts ang 33-anyos na si Inoue.

Ito na ang pampitong pagkakataon na idinepensa ni Inoue ng kaniyang titulo.