-- Advertisements --

Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi kailanman napag-usapan ang posibilidad ng pagbibitiw ng bise presidente sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial.

Sinabi ni defense spokesperson Michael Poa na hindi naging paksa ng kanilang mga pag-uusap ni Vice President Duterte ang usapin ng resignation.

Ang pahayag ay tugon sa sinabi ni House prosecution spokesperson at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na itutuloy ng prosecution ang impeachment case anuman ang mangyari.

Ayon pa kay Ridon, wala umano siyang nakikitang dahilan para magbitiw si Duterte dahil papasok pa lamang ang aniya’y “exciting part” ng paglilitis, kabilang ang inaasahang pagtalakay sa AMLC records, BIR records, at bank records ng bise presidente. (Report by Bombo Jai)