-- Advertisements --

Inaabangan na ng boxing fans ang magiging laban sa pagitan ni undisputed heavyweight champion Oleksandr Usyk at Dutch kickboxing legend Rico Verhoeven.

Nakatakdang ganapin ang heavyweight match bukas, May 23, 2026, sa Pyramids of Giza sa bansang Egypt. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang isang major boxing championship sa naturang UNESCO World Heritage site.

Paglalabanan ng dalawa ang WBC Heavyweight Title at gagamitin ang boxing rules. Gayunpaman, bumuo rin ang mga organizer ng ‘King of the Nile belt’ bilang simbolo ng historic event.

Sa kasalukuyan, hawak ni Usyk ang record na 24-0. Labinlima (15) sa malinis na record ng heavyweight fighter ay pawang mga Knock-out (KO).

Kabilang sa mga kilalang boksingero na kaniyang pinadapa sa mga professional fight ay sina Tyson Fury (2x), Anthony Joshua (2x), at Daniel Dubois.

Hawak naman ni Rico ang 49-8 record sa ilalim ng kickboxing. Noong pumasok siya sa boxing, nagawa niyang maipanalo ang isang laban.

Sa kabilang banda, pumapabor kay Usyk ang odds, kumpara sa Dutch kickboxing legend.