-- Advertisements --

Naniniwala si Sen. Manny Pacquiao na posibelng “walang alam” o “misinformed” si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isinawalat niyang umano’y korapsyon sa pamahalaan.

Ipinagtataka din ni Pacquiao kung bakit nagagalit aniya sa kanya si Pangulong Duterte kahit pa ang layunin lamang niya ay tumulong sa pagsiwalat sa issue ng korapsyon sa bansa.

Nauna nang isiniwalat ni Pacquiao ang umano’y korapsyon sa tatlong ahensya ng pamahalaan.

Kabilang na rito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Health (DOH), and the Department of Energy (DOE).

Sa DSWD lamang, sinabi ng senador na nasa P10.4 billion ng Social Amelioration Program (SAP) funds na nakalaan para sa mga beneficiaries na apektado ng pandemya ang nawawala.

Inaauksahan din niya ang DOH nang pagbili ng mga gamot na malapit nang ma-expire.

Sa DOE naman, sinabi ni Pacquiao na hindi dumaan sa bidding ang pag-award ng kontrata saIndependent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) na mayroon lamang paid-up capital na P7,000.

Isinapubliko ni Pacquiao ang mga alegasyon niyang ito matapos na hamunin kamakailan ni Pangulong Duterte na patunayan niya ang kanyang mga alegasyon nang korapsyon sa pamahalaan.