-- Advertisements --

Nanindigan si eight-division boxing champion Manny Pacquiao na hindi lamang exhibition ang muling laban niya kay Floyd Mayweather Jr.

Kasunod ito sa naging pahayag ng US undefeated boxing champion na isa lamang exhibition ang laban at hindi apektado ang kanilang mga recrod sa boxing.

Sinabi ni Pacquiao na mayroon silang pinirmahan na kontrata na isang professional boxing match ito.

Giit ng dating senador na mula pa sa simula ay nais niyang ibigay sa mga fans ang nais nila na isang professional boxing match at totoong laban.

Umaasa ito na maliwanagan ang kampo ni Mayweather para sa muling paghaharap nila.

Unang nagharap ang dalawa noong 2015 kung saan nagwagi ang US undefeated boxing champion.

Isasagawa naman ang rematch ng dalawa sa buwan ng Setyembre sa Las Vegas.