Malaki ang paniniwala ni Top Rank CEO Bob Arum na magtatagumpay si Manny Pacquiao kapag ito ay tumakbo sa pagkapangulo ng 2022.

Sinabi nito na, noon pa man ay naikuwento na ng fighting senator ang kaniyang mga pangarap sa pulitika.

Inimbitahan pa aniya siya nito na na dapat andoon siya sa kaniyang inauguration.

Noong pang 2015 ay hinuhulaan na ni Arum na ito ay tatakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Huling laban ni Pacquiao ay noong 2019 ng talunin niya si Keith Thurman at makuha ang WBA “super” welterweight champion title.