-- Advertisements --
House congressmen
House of Representatives

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Reform Act (PIFITA).

Sa botong 186-yes, 6-no, at 2-abstain, inaprubahan ng mga kongresista ang House Bill 304 para i-rationalize ang taxation ng financial sector upang gawin itong mas simple, patas, mas “efficient and regionally competitive.”

Ang Package 4 na ito ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng Duterte administration ay naglalayong patawan ng unified income tax rate na 15 percent ang interest, dividends at capital gains.

Target din ng panukalang ito na alisin ang Documentary Stamp Tax (DST) sa diploma, transcript at iba pang records.

Kasama rin sa tatanggalan ng DST ang Oath of Office ng mga elective officials, Good Moral Standing Certificate na hinihingi ng Philippine Regulatins Commission, Affidavit of Loss at iba pang certificates o notarized documents, at Baptismal Certificate.

Nauna nang sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, pangunahing may-akda ng PIFITA, na P4.2 billion ang kikitain ng gobyerno mula sa isinusulong niyang panukala na ito.