-- Advertisements --
Patay ang nasa tatlong mag-aaral matapos ang pagguho ng paaralan sa Indonesia.
Ayon kay National Search and Rescue Agency head Mohammad Syafii na maraming iba pa ang nawawala sa insidente na nangyari sa Islamic boarding school sa East Java province.
Halos 40 katao naman ang na-trap sa loob ng gumuhong gusali kaya patuloy ang ginagawang rescue ng mga otoridad.
Nasa 11 katao ang nailigtas habang 91 iba pa ang mabilis na nakalabas sa gusali.
Dinala naman sa pagamutan ang ilang mga sugatang biktima.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung bakit gumuho ang nasabing gusali.