Nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang higit sa P9.1 milyong halaga ng mga hindi rehistradong vape products sa isang ikinasang operasyon sa Marilao, Bulacan nitong Martes.
Sa naging pahayg ng CIDG, isang suspek na napagalamang isang Chinese national na si alyas ‘Ping’ ang naaresto matapos na mahuling nagbebenta ng mga naturang produkto sa ilalim ng isang brand na walang sapat na mga permits mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay CIDG Chief PMGen. Nicolas Torre III, ang pamahalaan at ang kanilang kapulisan at magppatuloy na magbigay ng proteksiyon at mag-promote ng kanilag mga karapatang pang-kalusugan lalo na sa paggamit ng mga electonic cigarettes products.
Aniya, ang pagkumpiska ng mga iligal na produkto ay nagpapakita ng kanilang pagprotekta sa mga maaaring health hazard na makuha ng mga mamamayang pilipino sa pagbili ng mga ganitong klase ng mga produkto.
Samantala, hharap naman ang suspek sa isang complaint sa ilalim ng National Prosecution Service for the Violation of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation.