-- Advertisements --

Target ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gawing triple ang kanilang pwersa sa susunod na limang taon.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, na  desidido silang  maging most capable coast guards sa bahaging ito ng mundo, isang coast guard  na kayang maglingkod nang mabilis, tama at totoo sa tunay na kahulugan ng Bagong Pilipinas. 

Sinabi ni Gavan na patuloy silang naglalayag tungo sa kinabukasan na mapayapa, matatag at malaya.

Dagdag pa ni Gavan na inspirasyon nila sa patuloy na pagganap sa kanilang tungkulin ang nauna nang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kapag masungit ang karagatan, tumitingin ang bansa sa kung sino ang hindi natitinig ang pagkaka tindig. 

Kaya naman aniya napanatili nila ang pagiging kalmado, propesyunal at hindi patitinag  sa kahit saan pa mang bahagi ng karagatan sa lahat ng pagkakataon.

Mensahe pa ni Gavan sa kaniyang mga tauhan at opisyal,  ipagpatuloy sana nila ang pagiging coast guard na moderno pero moral, may kakayahan subalit may malasakit, kalmado subalit hindi magpapatinag. Tulad aniya ng isang palasak, chill but prevail.

Samantala, binigyang pagkilala at parangal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr  ang mga natatanging  coast guard  units at personnel ngayong araw. 

Labing anim na coast guard units at personnel ang tumanggap ng parangal.

kabilang dito ang mga barkong  karaniwang nagbabantay  at humaharap sa mapangahas na mga aktibidad ng China Coast Guard at Chinese Maritime Milita sa  ibat ibang bahagi ng karagatang  sakop ng bansa. 

Ilan lamang dito ay ang BRP Teresa Magbanua, 97 meter ship of the year,  BRP Francisco Dagohoy bilang  50 meter ship of the year, BRP Cabral bilang 44-meter ship of the year.

Kasama rin sa pinarangalan ang  BRP DA-BFAR bilang 30meter ship of the year.