-- Advertisements --
Itinalaga ng Department of Justice (DOJ) si Atty. Polo Martinez bilang kanilang bagong tagapagsalita.
Papalitan nito si dating DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na ngayon ay Assistant Ombudsman at tagapagsalita na rin ng Office of the Ombudsman.
Naging prosecutioin attorney si Martinez sa Office of the Prosecutor at Office of the Secretary of Justice ngayong 2025.
Siya rin ang associate ng private law firm na Platon Martinez Flores San Pedro Leano Law Offices mula 2022 hanggang 2024.
Nagtapos siya sa Ateneo de Manila School of Law at bachelors degree ng AB Political Science ng Ateneo de Manila University.
Magugunitang itinalaga bilang Ombudsman si DOJ Secretary Jesus Remulla at kasalukuyang officer-in-charge ng DOJ Sec. si Fredderick Vida.