Nasa P700,000 na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-drug operation sa lungsod ng Pasay kagabi.

Naaresto sa operasyon ang 2 suspek sa kanilang bahay sa Brgy. 114.

Ayon sa PDEA unang usapan na palitan ng droga ay sa Pampanga hanggang nagkasundo sila na lumipat sa Pasay City.

Bukod sa hinihinalang shabu ay nakumpiska rin sa mga suspek ang 2 gramo ng high grade marijuana.