CEBU CITY – Aabot sa P7-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation sa H. Cortes St., Brgy. Subangdaku, lungsod ng Mandaue, Cebu.

Huli ang subject na kinilalang si Crestellie Quiachon, 25-anyos, at residente ng Barangay Kalunasan, lungsod ng Cebu.

Ayon kay PCpt. Marvin Fegarido, hepe ng Subangdaku Police Station, may durugista na silang unang nahuli na siyang nagturo kay Quiachon bilang source nito ng shabu dahilan na agad silang nagsagawa ng follow-up operation.

Dagdag pa ni Fegarido na wala sa druglist ang nahuli kaya itinuring nila itong “Newly High Value Individual.”

Nakuha mula rito ang isang kilong shabu at isang medium-sized pack na isinilid pa sa isang Chinese tea bag.