Naglaan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng P7.7 billion sa kanilang panukalang P46.6-billion 2021 budget para sa implementasyon “Free Wi-Fi for All” program sa mga pampublikong paaralan at State Universities and Colleges (SUCs).
Sa inilabas na statement, sinabi ni DICT Sec. Gregorio Honasan II na ang pondo ay gagamitin para makamit ang target ng DICT na makapagtatag ng 23,100 live sites sa katapusan ng 2021.
Ayon kay Sec. Honasan, plano ng DICT na i-deploy ang pinakamaraming sites sa mga public education institutions kung saan 10,300 sites sa mga public schools habang 1,804 sites ay ilalaan sa mga SUCs at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) institutions.
Inihayag ni Sec. Honasan na ito ay commitment nila sa DepEd (Department of Education), CHED (Commission Higher Education) at TESDA para matiyak ang access ng education sector sa broadcast, connectivity at digital security sa papasok na school year habang ang bansa nasa ilalim pa ng state of public health emergency.
“We are aiming to provide every public school and SUC with free internet connectivity and access to aid our students and teachers adapt to the new normal in the education sector,” ani Sec. Honasan.