-- Advertisements --

Hindi isinasantabi ng National Bureau of Investigation ang posibilidad na makaapekto sa eleksyon ang mga maaring nakuhang data ng naarestong Chinese national na may ‘spy equipment’.

Kung saan ibinahagi mismo ng kasalukuyang tagapagsalita ng naturang kawanihan na si Spokesperson Ferdinand Lavin na posible umanong maimpluwensiyahan ang outcome ng halalan.

Ito aniya ay dahil sa gamit ng naturang Chinese na IMSI catcher o International Mobile Subscriber Identity na siyang pangsagap ng mga impormasyon kabilang ang mga personal messages na nakapaloob sa cellphone ng isang inidibidwal.

Paliwanag pa niya, sakali mang madiskubre at matuklasang nakapag-store o kuha ito ng mga data kagaya ng messages, maaring manipulahin ito at gamitin upang maimpluwensyahan ang resulta ng gaganaping eleksyon.

Samantala, nang mahuli o maaresto ang pinagsususpetyahang chinese spy, inamin ni National Bureau of Investigation Spokesperson Ferdinand Lavin na sa kanilang pakikipanayam rito ay medyo matipid na itong magsalita matapos ilahad sa kanya ang karapatan ng maaresto.

“Yung nai-store messages niya if that is sent out and manipulated that can influence the outcome of our elections,” ani Director II Ferdinand Lavin, spokesperson ng National Bureau of Investigation.

Kaya naman kaugnay nito, ipinaliwanag pa ni National Bureau of Investigation Spokesperson Ferdinand Lavin kung gaano nga ba kalayo ang kaya nitong masagap na impormasyon.

Aniya’y mula 500 meters hanggang 3 kilometers radius ay maaring makakuha ito ng data partikular sa mobile gadget number na siya namang personal na impormasyon o pagmamay-ari ng isang indibidwal.