-- Advertisements --

Ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na nasa 600-bilyong Piso halaga umano ang ikinalugi ng gobyerno sa pagkaantala ng mga kaso sa tanggapan.

Ayon kay Ombudsman Remulla, tinitingnan nila ito sa kasalukuyan kung saan paliwanag niya’y dulot ito partikular sa ‘inordinate delays’ ng mga kaso.

Ngunit kanyang tiniyak naman na ito’y susuriin o pag-aaralan pa upang matiyak at makumpirma ang kabuuang halaga ng mga nalugi.

Dagdag pa rito’y inihayag ni Ombudsman Boying Remulla na ang pagkaluging ito ay siyang nakakaalarma umano.

Subalit, maisa pang ulit niyang sinabi na titiyakin umano ng kanyang opisina na mabalikan ang mga kaso upang masuri ang aabot sa higit kalahating trilyon pagkalugi ng gobyerno.

Buhat nito’y isinusulong ngayon ni Ombudsman Boying Remulla ang ‘digitalization’ ng tanggapan.

Ayon sa kanya, layon nitong mapabilis ang pagproseso sa mga reklamo at kasong tinutukan ng Office of the Ombudsman.