Nasabat ng mga operatiba mula sa PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P6.8-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Bacoor, Cavite.

Sa pahayag ng PDEA, naaresto rin sa entrapment operation sa parking lot ng isang mall sa siyudad ang dalawang mga suspek na sina Jeffrey Garcia Santos at Alexander Maulha.

Nakumpiska ng mga operatiba ang nasa 1,000 gramo ng shabu na tinatayang nasa P6.8-milyon ang halaga.

Kasalukuyan nang nakadetine ang mga suspek sa PDEA-ROIV-A Jail Facility sa Camp Vicente Lim, Mayapa, lungsod ng Calamba, Laguna.

Nakatakda namang sampahan ang dalawa ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.