Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang release ng karagdagang P5 billion para sa emergency fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagpapauwi ng displaced overseas Filipino workers (OFWs) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Budget Assistant Secretary Rolando Toledo, ang special allotment release order (SARO) para sa nasabing pondo ay inilabas noong Hunyo 24.

Ayon kay Usec. Toledo, ang P5 billion ini-release sa DOLE-OWWA ay galing sa pooled savings ng alinsunod sa Section 4(v) ng Bayanihan Law.

Batay sa Bayanihan Law, may kapangyarihan ang pangulo na mag-realign ng pondo sa national budget para magamit sa paglaban sa COVID-19.

“The DBM has already released the P5-billion allotment and cash allocation to DOLE-OWWA to augment its Emergency Repatriation Fund intended for displaced Overseas Filipino Worker returnees,” ani Usec. Toledo.