Nasa P5.7 million halaga ng iligal na droga ang nasabt ng Philippine National Police (PNP) sa dalawang magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Manila.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD) kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, nasa 835 grams ng illegal drugs ang nasabat sa buy-bust operations sa Barangay 648 sa San Miguel nuong Lunes at sa Tondo nuong Martes.
Arestado sa Barangay 648 buy-bust operation si Nasfira Nassir Abdulla na nagkakahalaga ng P4.99 million.
Sa Tondo, anim na drug suspeks ang arestado kung saan sila ay nakuhanan ng nasa P680,000.00 halaga ng iligal na droga.
Kinilala ni PNP Chief ang anim na naarestong drug suspeks na sina: Jonathan Balingit, 24-anyos; Esmelita Tumbagahan, 61; Renalyn Silverio, 40; Aldwin Castillo, 43; Anna Punzal, 40; at Mark Echalar, 42.
Pina-iimbestigahan na rin ni Eleazar sa MPD kung sino ang mga kasabwat ng mga nasabing drug suspeks.