-- Advertisements --

airport2

Tinatayang nasa P5.1 million halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Aviation Security Unit-NCR at mga miyembro ng intel operatives ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa ikinasang controlled delivery operation sa may bahagi ng Central Mail Exchange Center, Domestic Road, Pasay City.

Nakilala ang mga naarestong suspeks na sina Bryan Pagayan, 43-anyos at Ferdinand Jimenez, 64-anyos pawang mga sales agent.

Ayon kay PNP OIC chief, PLt.Gen. Vicente Danao Jr. ang nasabing operasyon ay resulta ng agresibong intelligence gathering at collaborative efforts ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.

“It can be noted that Alternative Recording Device was properly used during the said operation adhering to the Rules on Body-Worn Camera by the Supreme Court,” pahayag ni Danao.

Naiturn-over na ang mga suspeks sa kustodiya ng PDEA at ang mga nakuhang ebidensiya.