-- Advertisements --

pdeg3

Nasa P4.7 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Special Operations Unit-5, PNP DEG kasama ang mga tauhan ng SDEU Pasay mula sa naarestong drug personality sa ikinasang buy-bust operation kaninang ala-1:00 ng hapon, January 21,2022 sa may bahagi ng HK Sun Plaza, Pasay City.


Kinilala ni PNP DEG Director, PBGen. Remus Medina, ang nahuling suspek na si Madonna Romaguera, residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Medina na matagal na nilang minomonitor ang aktibidad ng suspek at kanina nagkaroon sila ng magandang pagkakataon.

Nakumpiska sa drug suspek ang nasa 700 grams na hinihinalaang shabu na may market value na mahigit P4.7 million.

Bukod sa iligal na droga, nasabat din sa posisyon nito ang isang cellphone, wallet na may mga ID’s, motorsiklo at boodle money.

Ayon kay BGen. Medina kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP DEG sa Camp Crame ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposition.

pdeg1 1

Samantala, isa pang drug suspek ang nahuli ng mga tauhan ng Special Operations Unit NCR at PNP DEG sa isinagawang manhunt operations sa may bahagi ng Aurora Boulevard, Brgy 156, Pasay City bandang alas-12:20 ng tanghali.

Nakilala ang nahuling suspek na si Ruben Ocana Niebres, 29-anyos residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa RA 9165 na inisyu ni Judge Hon. Rowena Nievesadena Tan ng RTC National Capital Judical Region, Branch 118,Pasay City.

Agad dinala sa SOU NCR, PNP DEG office ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.