-- Advertisements --

Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na handa itong humarap sa impeachment trial.

Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Ruth Castelo, na noon pa man ay handa na ang legal team ng pangalawang pangulo.

Inihalimbawa pa nito ang ilang mga legal remedies para kontrahin ang impeachment laban sa bise.

Una ng sinabi ni Vice President Duterte na ipinapaubaya niya ang mga desisyon sa kaniyang legal team dahil binayaran niya ang mga ito para harapin ang kaso laban sa kaniya.