-- Advertisements --

Arestado ang isang drug suspek matapos makuhanan ng P350,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Parañaque City kahapon, Sabado.


Batay sa report nagsasagawa ng Oplan Galugad ang Parañaque police, ng mayt isang concerned citizen umano ang nagbigay ng tip na may nangyayaring kalakaran ng ilegal na droga sa may Barangay San Dionisio.

Agad naman rumisponde ang mga pulis at dito naaktuhan umanong nagseselyo ng mga sachet ng hinihinalang shabu ang 53-anyos na si alyas “Johnny” sa gilid ng isang condominium.

Narekober umano mula sa suspek ang 51.67 gramo ng hinihinalang shabu, isang coin purse at disposable lighter.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may mga kasama pa ang suspek sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang barangay.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.