-- Advertisements --
Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng P30,000 na kompensasyon sa mga manggagawang tinamaan ng COVID-19 sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.
Ayon lay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi na pinatagal ng presidente ang pagbibigay ng “go signal” para maipaabot ang tulong sa mga biktima ng deadly virus.
Kailangan lamang mapatunayan ng sinumang gustong mag-avail ng tulong na siya ay nagpositibo, sa pamamagitan ng RT-PCR test.
Mahalaga ring mailahad kung paano nakuha ang sakit, para malaman kung konektado talaga ito sa kaniyang tungkulin.
Retroactive naman ito kaya mabibigyan pa rin ng benepisyo maging ang mga nagpositibo kahit noong nakaraang taon.