CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na ng pulisya dahil sa paglabag nsaDangerous Drugs Act of 2002 ang itinuring na high value target na drug pusher suspect na unang nakunan ng limang malalaking sako na mayroong laman na suspected shabu.
Ang kontrabando ay mayroong estimated market value na P3.4 milyon sa Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos naaresto nang pinag-isa na operasyon ng PNP special units at NBI-10 ang dating bilanggo na si Andy Von Macarandan,33 anyos,walang trabaho kasama ang driver ng taxi na si Ijay Pindringuez,30 anyos na pawang taga-Barangay Balulang ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Senior Master Sgt Ronald Patriana ng Regional Special Operations Unit 10 na nahuli ang mga suspek nang ikinasa ang anti-illegal drugs operation sa Purok 4, Barangay Puerto ng syudad.
Sinabi ni Patriana na iinimbestigahan nila ang impormasyon na mayroong nagsisilbing amo na kasalukuyang nakakulong sa city jail ang suspek na pinagmulan ng ilegal na droga na ibinenta sa ilang mga parokyano sa lungsod.
Dagdag ng pulisya na higit isang buwan pa lamang nakalaya mula sa kulungan si Macarandan dahil sa illegal drugs cases subalit nagbalik agad sa nabanggit na gawain.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabanggit na mayroong ilang bilanggo na isinangkot sa talamak na bintahan ng ilegal droga subalit maraming beses na mariing pinabulaanan naman ng Bureau of Jail and Management Penelogy 10 na siya nagpapatakbo ng jail facility ng syudad.