Patay ang apat na Chinese drug personalities matapos makipagsagupaan sa mga operatiba ng pamahalaan sa ikinasang buy-bust operation na pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA, PNP-DEG, ISAFP at NICA kaninang alas-11:30 ng umaga sa Noah’s Place, Barangay Libertador, Candelaria, Zambales, kung saan nasabat ang nasa P3.4 Billion halaga ng iligal na droga.
Kinilala ni PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva ang apat na nasawing Chinese nationals na sina: Gao Manzhu, 49 years old, taga Fujian, China; Hong Jianshe, 58 years old, taga Fujian, China, Eddie Tan, 60 years, Fujian, China; Xu Youhua, 50 years old.
Nakumpiska sa kanilang posisyon ang mga sumusunod: MOL 500 kls. of Shabu na may market value na P3.4 billion; Four (4) firearms; One (1) Toyota Fortuner; Three (3) Basic phone (Chery Mobile, Samsung and Philips); One (1) Android Phone (MI); at Two (2) Chinese Passports.
Ayon kay Villanueva ang mga nasawing Chinese ay kabilang sa bigtime-illegal drugs syndicate na nag-ooperate sa bansa partikular sa Zambales.
Batay naman sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group ang mga nasawi ay mga kilalang distributors ng illegal drugs sa Luzon partikular sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4.
Ang nasabing operasyon ay resulta ng cooperation and information-sharing ng PNP, ISAFP, NICA sa pamumuno ni Director General Alex Paul Monteagudo, Bureau of Customs sa pangunguna ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, at PDEA na siyang lead agency.
Sinabi ni Villanueva ang kumpiskasyon ng nasabing shabu ay siyang biggest drug haul for this year.
Dagdag pa ni Villanueva nag ugat ang kanilang operasyon mula sa isang mahabang surveillance matapos nila ma track down ang galaw ni Xu Youha.
Si Xu alias taba ang isa sa mga tinaguriang key players ng illegal drugs activities sa bansa na huling namonitor na may kausap na contact sa abroad ayon kay PDEA Deputy Director General for Operations Gregorio Pimentel.
Ibinunyag ni DG Villanueba na ang mga nasabing iligal na droga ay inismuggle sa bansa sa pamamagitan ng international waters gamit ang mga maliliit na mga barko at tina transport sa mga coastal waters ng bansa at saka ipick-up ng kanilang local illegal drugs distributor.
Sa ngayon mayruong ginagawang pursuit operation ang PNP at PDEA laban sa ilan pang mga sindikato.
Ayon naman kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, kaniya ng inatasan ang deployment ng kanilang PNP helicopters at speedboats para tumulong sa pursuit operation lalo na sa mga barko na ginagamit sa pag transport ng mga iligal na droga.
Sa ngayon ongoing ang pagpapatrulya ng mga fastcrafts ng Maritime Group sa karagatan ng Central Luzon at nagsasagawa din ng aerial patrol ang helicopter ng PNP.
“This operation was a result of the whole-of-government approach in our campaign against illegal drugs. Our coordination and cooperation with other government agencies, particularly with the PDEA, is now stronger than before so we are confident that this will be our strong point in our successful campaign to put an end to the threats of illegal drugs in the country,” pahayag ni Gen Eleazar.
Samantala, ayon naman kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon na si Xu Youha ay isa sa pinaka malaking shabu importer sa bansa at miyembro ng transnational drug trafficking organization.