-- Advertisements --
Guillor2 1

Patay ang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy bust operation bandang alas-5:15 kaninang madaling araw sa bahagi ng Barangay San Roque,Cubao, Quezon City.

Magkakatuwang sa operasyon ang mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Group ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency

Ayon kay NCRPO chief police M/Gen. Guillermo Eleazar, nasa apat na kilo ng shabu ang nasabat mula sa drug suspect na may street value na P27.2 million.

Nakilala ang napatay na drug pusher na si Edgardo Alfonso, residente ng Barangay Tramo, Pasig City.

Nakipag-transaksyon ang poseur buyer sa biktima sa isang gasolinahan sa P. Tuazon Avenue para makabili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksiyon kaya’t nagpaputok ito ng baril.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na nauwi sa habulan mula sa P. Tuazon hanggang sa kanto ng Del Pilar Street at 18th Avenue kung saan napatay ang suspek.

Narekober mula sa lugar ng engkuwentro ang mga sumusunod:

-apat na pirasong transparent zip lock plastic bags na naglalaman ng shabu na may timbang na tig isang kilo bawat plastic.
-15 bundles ng P1,000 bills na nagkakahalaga ng P1.5 million na ginamit sa transaksyon.
-1 caliber .45 pistol at magazine.

NCRPOGU 1

Sinabi ni Eleazar, ang suspek ay posibleng tauhan ng isang drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Dagdag pa ng heneral, ang suspek ay kabilang sa targets nila na miyembro ng syndicated criminal gang na nag-o-operate ng illegal drug trade sa Metro Manila.

May ongoing follow-up operation na ikinasa ang NCRPO para maaresto ang main target at supplier ng nasabing iligal na droga.