-- Advertisements --
image 365

Dinepensahan ni Defense Secretary Gilberto ‘Gibo” Teodoro ang P150 million confidential fund na hiling ng Department of Education (DepEd) dahil madalas nabibiktima ng exploitation ay ang mga bata.

Ayon pa sa DND chief, kailangan ng ibang ahensiya ang confidential funds para malabanan ang mga supplier gayundin maisiwalat ang scams at kriminal na gawain ng kanilang mga empleyado at iba pang service providers.

Subalit, ipinunto ni Teodoro na mayroon ding burden sa parte ng mga ahensiya na humihiling ng confidential funds para i-justify ang kanilang panukala o hinihinging confidential funds.

Hindi rin aniya wais na kasanayan ang pagdepende lamang sa nakakalap na intel o impormasyong isinasagawa ng militar.

Saad pa ng DND chief na limitado rin aniya ang kapasidad ng intelligence agencies sa mga banta ng malalaking organisasyon.

Una rito, humiling ang DepEd sa ilalim ni VP at Education Secretary Sara Duterte ng P150 million confidential funds para sa susunod na taon dahil paliwanag ng ahensiya magkaugnay ang basic education at pambansang seguridad.

Top