Dahil na rin sa commintment ng Bureau of Customs (BoC) commitment na gawing ligtas ang mga borders sa bansa, sinira ngayon ng Manila International Container Port (MICP) ang mga sigarilyong nagkakahalaga ng P120 million.
Nakasilid ang mga smuggled at mga pekeng sigarilyo sa apat na 40-foot containers na sinira sa kanilang condemnation facility sa Porac, Pampanga.
Ang mga sinirang sigarilyo ay bahagi ng P219.6 million worth ng mga kontrabandong nasabat ng Manila International Container Port (MICP) ngayong taong 2020.
Sa ngayon ang pinakamalaking apprehension ng mga pekeng sigarilyo ay aabot sa 6,249 master cases at ito ay undeclared cigarettes na nasabat noong July 24, 2020 na nagkakahalaga ng P186.9 million.
Inihahanda na rin ng BoC ang mga kasong paglabag sa Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at National Tobacco Administration (NTA) maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) rules and regulations laban sa mga suspek.
Ang mga nasabat na kontrabando ay dahil na rin sa pagpupursige ni MICP District Collector Romeo Allan Rosales sa pamamagitan ng Office of the Deputy Collector for Operation’s Auction and Cargo Disposal Division (ACDD), Intelligence Group (IG) sa pamamagitan ng Port’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement Group (EG) sa pamamagitan naman ng Port’s Enforcement and Security Service (ESS).