ILOILO CITY – Tiniyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagbalik sa tinapyas na P10 billion sa kabuuang budget para sa Department of Health (DOH) na nakapaloob sa P4.1 trillion 2020 national budget.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senator Drilon, sinabi nito na ito ay kapag napatunayan na napunta ito sa alleged pork barrel allocations para sa mga kongresista.
Ayon kay Drilon, uusisain nila sa Senado kung saan napunta ang P10 billion budget para sa DOH matapos na inaprubahan ng House of Representatives ang 2020 national budget.
Kung maaalala, inakusahan ni Senador Panfilo Lacson na may nakalaang P700 million sa allocations sa ilalim ng proposed 2020 national budget.
Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si dating DOH secretary at ngayo’y Iloilo 1st district Rep Janette Garin sa P88 billion budget ng ahensya para sa 2020, na mas mababa ng P10.6 billion sa 2019 budget na P98.6 billion.