Inamin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ubos na pagdating ng Agosto ang P1-billion Assistance to Nationals Fund.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Arriola, nasa mahigit 88,000 OFWs ang kailangang iuwi sa Pilipinas mula sa Riyadh, Saudi Arabia pa lamang.
Ayon kay Usec. Arriola, ang isang chartered flight para sa 350 na pasahero lamang ay nagkakahalaga na ang mula P12 million hanggang P13 million.
“Our utilization rate is very high. A chartered flight costs P12 million to P13 million per flight, and that is only good for 350 passengers,” ani Usec. Arriola.
“We have 30 to 31% left of P1 billion for repatriation, kaya baka hanggang by end of July or mid-August po ito.”
Magugunitang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) ang kanilangan iuwi ng bansa dahil sa COVID-19 panemic.
Ang ATN ay nakalaan para sa mga distressed OFWs mula sa iba’t ibang bansa.