Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Libu-libong marijuana plants ang matagumpay na binunot at sinunog ng mga awtoridad sa Mt. Ngaratngat sa pagitan ng Saclit, Sadanga, Mountain Province at Bugnay, Tingalayan, Kalinga.

Ayon kay P/Maj. Bernard Wong, chief investigator ng Mountain Province Provincial Police Office, aabot sa halos 9,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P1.8-milyon ang kanilang binunot at sinunog.

Sinabi niya na agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad matapos silang makatanggap ng impormasyon ukol sa mga bawal na pananim.

Gayunpaman, sinabi ni Wong na wala silang naabutang marijuana cultivator sa lugar.

Idinagdag niya na pinagsisikapan ng pulisya na linisin ang mga lugar na mayroong marijuana plantation sites kahit malalayo at mahirap marating ang mga ito.