-- Advertisements --

Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na handa silang iuwi ang overseas Filipino worker (OFW) na ang mga anak ay inatake ng kanilang ama sa Parang, Maguindanao del Norte.

Sa isang pahayag, sinabi ng OWWA na nakahanda itong magbigay ng kinakailangang tulong sa ina nina Asrap, 9, at Bai, 14, kabilang ang agarang pagpapauwi nito mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Bukod sa kanyang pagpapauwi, sinabi ng ahensya na nakahanda rin itong magbigay ng iba pang uri ng tulong sa OFW gayundin sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Noong Linggo, iniulat na sinaksak ni Adjis Sanday Ayob ang kanyang anak hanggang sa mamatay at nasugatan ang kanyang anak na babae sa kanilang tahanan sa Barangay Magsaysay, Parang , Maguindanao del norte

Namatay si Asrap habang ginagamot si Bai sa kanyang mga sugat sa isang lokal na ospital.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspect sa Parang Municipal Police Station.