-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang pamunuan ng isang ospital sa National Capital Region (NCR) hinggil sa pagbabakuna ng ikalawang booster dose sa mga hindi immunocompromised individuals.

Ito ay matapos na iulat ng ospital na nabakunahan ng ikalawang COVID-19 booster dose ang ilang healthcare workers at senior citizens.

Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) ang naturang insidente.

Sa isang statement sinabi ng DOH, na nagpaliwanag ang naturang ospital na hindi nila sinasadyang ma-misinterpret ang guidelines na ibinigay ng DOH kung saan nakasaad sa FDA-approved amended emergency use authorization na maaaring makatanggap ng ikalawang booster ang mga senior citizens, front-line healthcare workers, and ICPs.

Kaugnay nito, kasalukuyang nakikipag-ugnayan na ang DOH at National Vaccination Operations Center (NVOC) sa mga concerned health care facilities at vaccination sites upang hindi na maulit pa ang kaparehong insidente.

Nitong nakalipas na araw ng Lunes, Abril 25 nang umpisahan ang pagrolyo ng second booster shots para sa mga vulnerable groups partikular na sa immunocompromised individuals subalit hindi pa kasama rito ang mga frontline health workers at senior citizens.