-- Advertisements --

CEBU CITY – Itinanggi ng Perpetual Succor Hospital Inc. (PSHI) sa lungsod ng Cebu ang paratang sa umano’y pagkakasangkot ng ilang mga opisyal at empleyado nito sa mga anomalya aktibidad sa pondo ng Philhealth.

Sa isang statement na ipinadala ni Legal Officer Atty. Jose Ray Bael ng Perpetual Succor Hospital Inc. (PSHI), tiniyak nito sa publiko na wala iregularidad sa pagproseso sa mga COVID-19 claims sa kanilang mga pasyente.

Ito ay matapos nagsampa ng kasong ang National Bureau of Investigation (NBI-7) sa Office of the Ombudsman kahapon laban sa walong opisyak ng Philhealth Region-7 at apat na empleyado ng Perpetual Succor Hospital sa kadahilinan ng mga fraudelent claims na a-abot sa P300,000 sa mga COVID-19 patients sa state insurer at ng ospital.

Ayun pa ni NBI-7 Regional Director na si Atty. Renan Oliva na lumabas sa kanilang imbestigasyon na may “upcasing” ang nangyayari para makakuha ng mas mataas na claims sa Philhealth ang nasabing ospital.

Batay sa kanilang natuklasan, so “Pasyente X” ay nagnegatibo sa COVID-19 ng tatlong beses ngunit idineklara ng ospital na positibo ito sa sakit at ikinamatay nito noong Mayo 16.

Napag-alaman din na walang isinumiter na resulta ng swab test ni Patient X ang ospital para sa claim nito sa Philhealth insurance.

Dagdag pa ni Oliva na lumabas sa medico legal na non COVID-19 pneumonia ang ikinamatay ng pasyente.