-- Advertisements --
Boris Johnson
Boris Johnson/ IG post

Nagkasundo ang mga opposition parties sa United Kingdom na hindi nila susuportahan ang hiling na general elections ni British Prime Minister Boris Johnson.

Ang Labour, the Lib Dems, the SNP, at Plaid Cymru ay boboto laban sa gobyerno o sila ay mag-aabstain.

Dahil sa nasabing plano ay nagbabala si Jonhson na isang malaking pagkakamali ang naging desisyong ito ng mga oppostion parties.

Nauna ng nananawagan ng general elections si Johnson bago ang European summit sa kalagitnaan ng Oktubre.

Naaprubahan na rin ng House of Lords ang panukalang batas na humaharang sa no-deal Brexit na siyang magpipilit kay prime minister na hilingin sa EU ng pagpapalawig ng Brexit deadline na itinakda sa Oktubre 31 kapag walang kasunduang natapos ang UK at Brussels sa Oktubre 19.

Nais kasi ni Johnson na magkaroon ng halalan sa Oktubre 15 bago ang European Union summit sa Oktubre 17 at 18.